Cathedral binomba, utos ni Duterte | SAYYAF, PATAYIN!


INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar na durugin ang Abu Sayyaf na nasa likod umano ng kambal na pagpapasabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Duterte na ang tanging paraan lamang para pulbusin ang naturang teroristang grupo ay maging demonyo rin.
“Tutal ang gusto ninyo diyan — may armas man kayo, obviously patayan ang gusto ninyo. Eh, ‘di ibigay natin,” banta ng pangulo.
“I ordered you to destroy the organization. I’m ordering you now: Pulpugin ninyo ang Abu Sayyaf by whatever means,” ani Duterte.
“Meron man tayong helicopter, may eroplano, may mga barko. Eh, iyong mga bala natin diyan sa mga kanyon ninyo may. Oh, gikalawang na ‘yung mga… Paputukin na ninyo. Ibomba muna ninyo lahat, magbili na tayo ng bagong stock. Ngayon kung may inosente mamatay, iwasan ninyo. Iwasan hanggang ano,” dagdag pa ng pangulo.





Comments