top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

3,000, LALARGA SA MY LITTLE PONY FRIENDSHIP RUN MANILA

  • A.Servinio
  • Jan 30, 2019
  • 1 min read

Photo : Official Little Pony Friendship Run 2019

INAASAHANG ma­higit 3,000 mananakbo ang lalahok sa napakasa­yang My Little Pony Friend­ship Run Manila 2019 ngayong Peb. 24 sa SM Mall of Asia.

Tiyak na aabangan ng lahat ang pagkakataon na tumakbo kasama ang mga paboritong kabayo mula sa tanyag na serye sa tele­bis­yon.

Puwedeng pumili sa 5km, 3-km o 1km na distan­siya. Ang mga race kit ay may kasamang t-shirt, sun visor, numero at bag ngunit, maaaring magdagdag ng P250.00 para makakuha ng isang tutu o palda na kulay bahaghari.

Gagawaran ng medalya ang lahat ng magtatapos ng ka­rera at kikilalanin ang tat­long pinakamabilis sa bawat distansiya at tatanggap sila ng regalo buhat sa mga is­pon­sor.

Magkakaroon din ng raffle para sa lahat para sa mas maraming regalo. Bu­misita sa www. mlprun.ph.

May nakahanda rin na mga palaro at aktibidad para sa buong pamilya upang ma­buo ang isang Linggo ng umagang puno ng kasiya­han.

Matagumpay ang unang My Little Pony Friendship noong 2018 kaya ito ang nag­silbing inspirasyon para ulitin ito hindi lang sa Pili­pinas kundi pati na sa ibang bansa sa Timog Silangang Asya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page