UPHSD ALTAS, DO-OR-DIE VS. BLAZERS ABANGERS SA 94TH WOMEN’S VOLLEY
- BULGAR

- Jan 29, 2019
- 1 min read

NAKAPUWERSA ng do-or-die para sa finals ang Perpetual Help Lady Altas matapos nilang payukuin ang top seed College of Saint Benilde Lady Blazers, 25-23, 25-21, 20-25, 25-23 sa semifinals ng 94th NCAA women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Center, San Juan City.
Pumalo si Cindy Imbo ng 19 points para tulungan ang No. 4 Lady Altas na makuha ang importanteng panalo at manatili sa asam na titulo. Ilalarga ang rubber match ngayong 4 p.m. sa parehong lugar at ang mananalo ay makakalaban sa finals ang nag-aabang na defending champion Arellano University.
Tumikada si Jenny Gaviola ng 15 markers kasama ang walong kills, apat na blocks at tatlong service aces para sa Perpetual Help. Nakapormang wawalisin ng Lady Altas ang laro subalit nakuha ng Lady Blazers ang set 3. Nagtala si Rachel Anne Austero ng 18 pts. para sa CSB. Unang sumampa sa championship round ang Lady Chiefs matapos nilang patalsikin ang San Beda University, 25-18, 25-21, 25-23 sa unang laro. Laro Ngayon: (FilOil Flying V Centre) 4 p.m. – UPHSD vs CSB (Women Semis) (ATD)





Comments