Tulak todas sa motel

NAUWI sa madugong engkuwentro sa mga kapulisan ang isinagawang buy-bust operation sa loob ng isang motel sa Batangas.
Alas-9:40 ng gabi nang magkasundo umano ang suspek na si Roberto Ilagan alyas Berto at ang nagpanggap na buyer ng shabu na mag-aabutan sa Hanrahs Motel.
Bigla umanong nakatunog ang suspek na pulis ang kanyang kausap kaya bumunot ito ng baril at ipinutok sa kanila.
Gumanti ng putok ang kapulisan hanggang sa tamaan ang suspek na isinugod sa pagamutan ngunit, idineklarang dead-on-arrival. Nakatakas naman ang hindi pa nakikilalang kasamahan nito kaya agad pinakilos ang ilang operatiba upang tugisin ito. Narekober sa lugar ang halos nasa 20 sachets ng pinaniniwalaang shabu, drug paraphernalias at mga baril.





Comments