top of page
Pokwang.jpg

THURMAN, HINAHAMON SI PACMAN SAKTUHAN DAW ANG MATCH-UP NILA

Alvin Olivar / MC
Jan 29, 2019
1 min read

NAGBALIK ang tikas ni Keith Thurman mula sa 22 buwan na pahinga at tigpasin niya si Josesito Lopez via majority decision noong Linggo upang mapanatili ang welterweight title at pagkaraan ay saka hinamon si Manny Pacquiao.

Mabilis na giniba ni Thurman sa second-round knockdown si Lopez at naka-survive din siya sa 7th round na pagbayo ni Lopez at nakabawi ng lakas upang umibayo sa 29-0. Ito ang unang laban ng WBA champion mula noong Marso 3, 2017, bago siya ganap na nagpahinga at nagpagaling matapos siyang operahan sa kanang siko at kanang kamay.

Parehong balik na naman sa normal na kilos ang dalawa at pinapahinga na ang nanakit na mga paa ni Thurman dahil sa panay ang sugod sa kanya ni Lopez sa bakbakan nila kaya nasakote niya ito ng kanyang uppercuts at kombinasyon.

“He came right for me,” saad ni Thurman. “I said you wouldn’t see the best Keith Thurman tonight, but you’d still see a world-class performance, and I gave you that tonight.”

Tipong kailangan niya nang susunod na makasagupa at sakto lang daw sa kanya ang 40-anyos na si Pacquiao na kitang-kita niyang malakas pa rin ang kaliwa ng Pinoy laban kay Adrien Broner noong nakaraang linggo. “I would most likely definitely take the Manny Pacquiao fight this year,” saad ni Thurman. “I feel good. That was a beautiful fight. I’m ready to fight wherever Pacquiao wants it.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page