top of page
Pokwang.jpg

SILVER GLOW, EL MUNDO, CERTAIN TO WIN, LAAN SA WTA PICK 6 AT PICK 5

Green Lantern
Jan 29, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

MAGANDANG line-up ngayon sa pagtahak ng pitong karera kasabay ng carry-over sa Pentafecta sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Magaganap ang Winner-Take-All (WTA) sa Race 1, na pinapaboran ng Silver Glow habang makakalaban ang Multi Awardee sa naturang karera.

Susunod ang Pick 6 event sa Race 2, dito ay pinapaboran ang Storm Goddess habang magsisilbing kalaban na mahigpit ang Entry No.3 at Apollo of Aquila.

Pitong kalahok ang maglalaban-laban sa Race 3 na simula nang Pick 5 event at pinapaboran ang Probinsyano, El Mundo at Jun Tailor, isama ang Fire Council at Lucky Saver.

Sa Race 4, kung saan magsisimula ang Pick 4 event ipinapatok ang Certain To Win, magsisilbing kalaban ang Gomper Girl, Lemonada at Kapayapaan.

Susunod ang Race 5, na paglalabanan ng pitong kalahok na kabayo at pinapaboran ang Digame, White Chocolate, Puerto Princesa, at App Da Bonus. Magsisilbing paratingan sa Race 6 ang Princess Mamba, Chi Nita, Gold Fisher, Dona Susan at Double Rock.

Sa Race 7, asahang magkakalaban nang mahigpit ang Vallet Cat at ang couple entry na Snap Dance at Kentucky Rain at magsisilbing banta ang Anika’s Will at Baton na bubuo sa WTA, Pick 6 at Pick 5. Tip ni Mang Ding Race 1- Silver Glow (5) Multi Awardee (11) Entry No.4 Race 2- Entry No.3 Storm Goddes(1) Race 3- Probinsyano(7) Jun Tailor (3) El Mundo(4) Race 4- Certain To Win (8) Lemonada (6) Kapayapaan(7) Race 5- Puerto Princesa (5) Digame (1) White Chocolate(3)

Race 6- Entry No.3 Gold Fisher(2) Strong Leader(1) Race 7- Valley Cat(8) Entry No.9 Anika’s Will (2)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page