Magbabalut niratrat ng kostumer, tigok

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng hindi pa nakilalang lalaki ang nagtitinda ng balut matapos magkairingan kahapon ng hatinggabi sa Rosario, Cavite.
Alas-12:05 ng hatinggabi nang maganap sa tapat ng gas station sa Bgy. Tejeros Convention ang pamamaril.
Nagtitinda umano ng balut ang biktimang si Ronaldo Ricalde, 32, nang tawagin ng suspek at tanungin.
Gayunman, kung anu-anong masasamang salita ang nasabi ng suspek tungkol sa ibinebenta nitong balut na ikinapikon ng biktima na humantong sa away nila hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at dalawang ulit na pinaputukan ang biktima bago tumakas.





Comments