top of page

Mag-ingat: mga isnatser na nagpapanggap na badjao, nagkalat!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 29, 2019
  • 2 min read

TAHIMIK at panatag ang loob ng mga pasahero patungong T.M. Kalaw sa Maynila nang mabulabog ang mga ito ng dalawang gusgusing babaeng anyong Badjao ang biglang sumabit sa kahabaan ng España Blvd. at nag-hysterical at sumisigaw na ikinagulat ng mga pasahero kasama na ang inyong lingkod.

Mga edad 15 ang isa at 12 naman ang mas bata na siyang nagmamanman kung sino sa mga pasahero ang may hawak ng cellphone at ‘yung nakatatanda naman ang patuloy sa pagsigaw ng hindi maintindihang salita na sa pakiwari ng inyong lingkod ay kumukuha lamang ng atensiyon sa mga nabiglang pasaherong may hawak na gadget.

Seryoso nating inobserbahan at pinakiramdaman ang dalawang isnatser na nang makakuha na ng tiyempo ang 12-anyos ang siyang biglang inisnats o inagaw ang hawak na cellphone ng babaeng estudyante at nang magtagumpay na nahablot ng 12-anyos na babaeng suspek ang gadget ay agad silang tumalon sa umaandar pang jeep sa bandang Plaza Lawton pagbabang-pagbaba ng jeep sa Quezon Bridge patungong Manila City Hall.

Sa nangyari, nagulat na lamang ang lahat pati ang inyong lingkod dahil simbilis ng kidlat ang ginawang pagtakas ng dalawang babaeng suspek na tila mga lalaki sa kanilang pagtalon at pagtakas.

Susmaryosep, kahit aprubado na sa Kamara at Senado ang age of criminal responsibility na 12 years old ay wala pa ring takot na gumawa ng karumal-dumal na krimen ang mga kabataan (hindi lahat).

Mga ka-BULGAR kapag nasa pampubliko kayong sasakyan, ‘wag kayong kampante sa ating kapaligiran dahil anumang oras o pagkakataon, posible kayong mabiktima ng dalawang balasubas na snatcher na ito.

Ikaw kaibigan, anong sey mo?

Laging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!

Ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page