top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kahit wala pang direktibang pagbabanta | Full security alert sa Metro Manila, kasado na!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 29, 2019
1 min read

‘IKA nga nila, kailangang advance ta­yong mag-isip, hindi lang sa sarili nating buhay kundi para sa ikagaganda ng ating bansa.

Kaya kasunod ng nangyaring pagpa­pa­sabog sa Jolo, Sulu na nakalulungkot dahil marami ang namatay ng walang kalaban-laban ay nagpairal na ng full security alert ang Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila kahit wala pang natatanggap na direktang pagba­banta ang kapulisan.

Ayon kay National Capital Region Po­lice Office (NCRPO) Director General Guillermo Eleazar, layunin nilang paig­tingin ang checkpoint operation at intelli­gence gatherings upang mas masiguro ang seguridad ng publiko laban sa kapa­hamakan, lalo na at nalalapit na rin ang halalan.

Kaya bilang mamamayan, dapat ma­ru­nong din tayong sumunod at makipag­tulungan upang maiwasan ang problema at abala, kung may checkpoint, eh, gawin na lang at huwag ng kung anu-ano ang sinasabi.

Gayunman, nanawagan ang PNP sa publiko na asahan ang maraming bilang ng mga pulis sa mga matataong lugar.

Samantala, umiwas din sa mga pulis na inaabuso ang nagaganap na check­points kung saan nagagawa pang ma­ngotong, ‘yun lang!

Kaya ang paalala natin sa lahat, huwag lang maging handa, maging matalino rin laban sa mga masasamang banta!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page