FEU-DILIMAN, DINISKARIL ANG DLSU-ZOBEL, UMUSAD SA UAAP JUNIORS FINAL
- BULGAR

- Jan 29, 2019
- 1 min read

INILAMPASO ng Far Eastern University-Diliman ang De La Salle-Zobel , 9-0, upang makausad sa UAAP Season 81 juniors football Finals kontra National University noong nakaraang Linggo sa FEU-Diliman pitch.
Bukod sa panalo, inagaw pa ng Baby Tamaraws sa Bullpups ang liderato matapos makatipon ng 17 puntos. Nauna nang tumapos ang NU sa eliminations na may 16 puntos pagkaraan ng kanilang goalless draw ng University of Santo Tomas.
Sa unang pagkakataon ay nakatakdang sumabak ang Bullpups sa kanilang unang championship stint.
Nagtala ng tig-dalawang goals sina Pocholo Bugas at Kart Talaroc para pamunuan ang nasabing panalo ng Baby Tamaraws.
Gayundin, naisiguro ng Baby Tamaraws ang pagkakataon upang makamit ang hinahangad nilang record na ika-9 na sunod na titulo sa liga. (VA)





Comments