Aktor, Kapuso na…DEREK, SI KIM DOMINGO ANG BAGO


WALA pang final confirmation kung certified Kapuso artist na nga ang morenong hunk actor na si Derek Ramsay, pero ang nasagap namin ay tinanggap na ng aktor ang isang pelikulang gagawin niya under GMA Films na ang leading lady ay ang sexy Kapuso actress na si Kim Domingo.
Kasama rin sa movie ang comedian na si Super Tekla, ang Onanay star na si Jo Berry at ang bagong lipat na comedienne na si Kiray Celis.
Base sa cast, tiyak na rom-com ang movie na ito ni Derek. Nagkatrabaho na rin sila dati ni Kiray sa isang movie under Regal Films.





Comments