top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

After ng pagbomba sa cathedral habang may misa, 20 patay 117 grabe | MAGSISIMBA KAKAPKAPAN

Mylene Alfonso
Jan 29, 2019
1 min read

MATAPOS ang pagbomba sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu habang may misa, kung saan 20 ang namatay at 117 ang sugatan, may mga humirit na magsagawa ng matinding seguridad sa lahat ng Simbahan.

Dapat umanong magkaroon ng mga security guard ang bawat Simbahan at kung maaari ay kapkapan ang mga nagsisimba upang matiyak na walang masamang-loob na makakapuslit tulad nang nangyari sa Sulu.

Samantala, personal na binisita kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing cathedral.

Alas-2:15 ng hapon nang dumating ang pangulo kung saan ininspeksiyon nito ang cathedral at umalis alas-5:35 ng hapon matapos makiramay sa mga biktima ng pagsabog.

Batay sa larawan na ipinadala ni dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go, bukod sa kanya kasama ng pangulo ang anak na sina Davao City Mayor Sara Duterte, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Interior Secretary Eduardo Año, National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. at Philippine National Police Chief Oscar Albayalde.

Makikita rin ang pangulo na nakatayo habang katabi ang mga kabaong ng mga sundalo habang kinakausap si Western Mindanao Command chief Arnel dela Vega.

Binisita rin ni P-Duterte ang mga sugatang sundalo at sibilyan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page