Tulad nating mga Pinoy, mayroon din silang sariling tradisyon... 8 bagay na may kinalaman sa Chinese


ALAM natin na mahalagang pangyayari ang Chinese New Year kaya 20 porsiyento ng populasyon sa mundo ang nagdiriwang sa pagsalubong nito. Bagama’t, alam natin ang mga pagkaing suwerte o ilang tradisyon kaugnay dito, narito ang ilang mga bagay tungkol sa Chinese New Year:
1. DATE CHANGES EVERY YEAR. Kung dito sa atin, eh, iisa lang ang petsa ng Bagong Taon, sa mga Chinese, beshy, nagbabago ang petsa nila kada taon. Wow! Ayon sa Chinese Lunar Calendar, ang petsa ng Bagong Taon ay nasa pagitan ng January 21 hanggang February 20, samantala, ngayong taon, magaganap ang Chinese New Year sa February 5.
2. IT STARTS A NEW ANIMAL’S ZODIAC YEAR. Sa China, ang Lunar cycle ay mayroong 60 at 12 taon. Ang 12 taon ang maiksing uri ng cycle kung saan ang bawat taon ay mayroong animal sign, kabilang dito ang Rat, Ox, Tiger, Rabbit, Dragon, Snake, Horse, Sheep, Monkey, Rooster, Dog at Pig. This year, Year of the Pig tayo, oink, oink!
3. REUNION DINNER IS A RITUAL. Kung mayroon tayong media noche sa pagsalubong ng Bagong Taon, ang mga Chinese ay mayroong tradisyunal na hapunan kung saan ito ang pinakaimportanteng oras para sa kanila kasama ang kani-kanilang pamilya. Gayundin, ang pagkakataong ito ay ginagamit nila upang alalahanin ang nakalipas na taon.
4. SINGLES HIRE FAKE PARTNERS. Dapat magsaya ang bawat isa sa pagsalubong sa Bagong Taon, ngunit, ang mga single na nasa edad 30 pataas o nasa “marriageble age” na ngunit, walang dyowa ay siguradong malungkot. Hu-hu-hu! Kaya upang masolusyunan ito, nauso ang “boyfriend/girlfriend for hire” nang sa gayun ay magkaroon ng kasamang sumalubong sa Bagong Taon ang mga single. Naks!
5. WORLD’S BIGGEST FIREWORKS USAGE. Ayon sa mga eksperto, ang selebrasyon ng Chinese New Year ay okasyon na mayroong pinakamalaking nakokonsumo ng fireworks sa buong mundo. Gayunman, ang fireworks ay ginagamit bilang pantaboy umano ng mga malas at evil spirit.
6. NO CLEANING. Isa ito sa mga paniniwala ng mga Intsik kung saan may kinalaman ito sa suwerte. Hindi puwedeng maghugas ng buhok at damit sa unang araw ng Lunar year dahil natatanggal umano nito ang magandang kapalaran sa pagsisimula ng taon. Ang pagwawalis at pagtatapon ng basura ay paraan umano ng pagtatanggal ng suwerte sa loob ng bahay, pero kapag Chinese New Year, hindi puwedeng maglinis, ha?
7. KID’S GET NEW CLOTHES. Upang magkaroon ng magandang kapalaran at kalusugan sina bagets, binibilhan sila ng kanilang mga magulang ng bagong damit na dapat nilang isuot sa New Year’s Eve dinner.
8. RED ENVELOPES ARE EXCHANGED. Ang pamimigay ng red envelope o kung tawagin dito sa atin ay ‘ang pao’ ay paraan ng pagsasabi ng ‘good luck’ sa indibidwal. Gayundin, mula sa bata hanggang sa matanda, boss hanggang sa empleyado ay nakatatanggap nito dahil ito umano ay naglalaman ng ‘Special New Year’s Bonus’.
Sana ay nadagdagan ang inyong kaalaman tungkol sa Chinese New Year nang sa gayun ay hindi tayo puro kain sa bahay ng mga kaibigan nating Tsinoy kapag nagse-celebrate sila. He-he-he! Gets mo?





Comments