Rider dedbol sa trak
ILOCOS SUR—Isang rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng trak ang minamaneho nitong motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Bungro, Magsingal sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Edgar Baldo, residente ng Bgy. Aragan, Cabugao sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng trak na minamaneho ni Ruel Quesido kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.
Namatay sa mismong pinangyarihan ng aksidente ang biktima, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Quesido.





Comments