top of page

Para sa mga uugud-ugod na, read n‘yo ‘to, dali! PAGKAIN NG MUSTARD, NAKAPAGPAPATIBAY NG BUTO!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 28, 2019
  • 2 min read

NAKAKALOKA, ‘di ba, lalo na kung bata ka pa lang, eh, uugud-ugod ka na? ‘Yun lang! Ha-ha-ha! Kung noon, eh, puro pabango at pampaganda ang laman ng bag mo, ngayon, eh, puro liniments at panghilot na, relate ka ba, besh? Apir tayo riyan! He-he-he! Pero, alam ba ninyo na ang mustard ay nakapagpapatibay umano ng buto?

Woah!

Ang mustard plants ay nagmula sa Brassica at Sinapis, ito ay ginagamit bilang spice.

Sa katunayan, may iba’t ibang uri ang mustard seed, kabilang dito ang mild white na tumutubo sa mga bansa sa North Africa, Middle East at Mediterranean Europe habang ang oriental mustard naman ay tumutubo sa India, Canada, United Kingdom, Denmark at U.S, gayundin ang black mustard na tumutubo sa mga bansang Argentina, Chile, U.S. at sa ibang European countries.

Gayunman, hindi lang umano basta simpleng spice ang mustard dahil ito ay may iba’t ibang benepisyong naibibigay sa ating katawan na tiyak na ikagugulat nating lahat. He-he-he!

Ayon sa mga eksperto, ang mustard ay epektibong panlaban sa uterine cancer, ito ay natuklasan sa pag-aaral ng mga researcher na nai-published sa Human & Experimental Toxicology.

Epektibo raw itong panlaban sa uterine cancer dahil sa chemopreventative potential ng mustard na kayang labanan ang mga toxic effect ng carcinogens na nakati-trigger sa pagkakaroon ng uterine cancer.

Dagdag pa rito, ang pagkain ng mustard ay kering maka-improve ng cardiovascular health dahil sa taglay nitong Omega-3 fatty acid.

Kung sumasakit naman ang inyong mga kasu-kasuan, beshy, epektibo ang mustard upang mapatibay ang inyong butu-buto, bagay na bagay ito kina lolo at lola. He-he-he!

Maliban pa rito, kung dehins kayo makatulog sa gabi, don’t worry dahil mustard lang ang katapat niyan.

Gayundin, kung mayroon kayong sakit sa balat tulad ng psoriasis, napag-alaman sa pag-aaral na ang mustard umano ay nakagagamot nito dahil sa taglay nitong glutathione peroxidase at catalase na nakapo-promote ng protective at healing action sa ganu’ng mga klase ng sakit.

Para naman sa mga conscious diyan sa kanilang buhok, oks lang ‘yan dahil ‘ika nga nila, mustard lang sapat na! Char!

Oh, ayan mga beshy, alam kong marami kayong natutunan sa mga benepisyong naidudulot ng mustard sa ating kalusugan na talaga namang kapakipakinabang.

Have a healthy and wonderful life!

Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page