top of page
Pokwang.jpg

Panawagan sa mga kinauukulan, mga grupong naglalabas ng pekeng pre-election surveys, hulihin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 28, 2019
2 min read

NGAYONG nalalapit na ang 2019 Mid­term Elections, hindi maiiwasan ang kum­petisyon dahil maraming kandidato ang nag­papabango ng kani-kanilang mga pangalan para makakuha nang mataas na boto na ka­nilang inaasam-asam upang magkaroon sila ng puwesto sa gobyerno.

Kaya naman, nagbabala ang Social Wea­ther Stations (SWS) sa lahat ng mamamayan hinggil sa pekeng pre-election surveys na nag­kalat na sa kasalukuyan.

Ayon sa SWS, kaya umano maraming sur­veys ang isinasagawa ng iba’t ibang grupo ay dahil paparating na ang eleksiyon kung saan kinakailangan nating mag-ingat at maging matalino, lalo na at marami sa mga grupong ito ay hindi lehitimo at maaari lang gamitin sa kung anu-ano ang impormasyong maibaba­hagi ng mga tao.

Kung gayun, bakit hindi ito hulihin upang hindi na sila makapanggulo?

Samantala, madalas nating pinagbaba­sehan ang mga survey para makakuha tayo ng impormasyon hinggil sa mga kandidatong ma­aari nating iboto o sa iba pang mga bagay, pero ang paalala natin sa publiko, huwag lang ta­yong dumepende sa mga ito, magkaroon tayo ng sariling opinyon at obserbasyon nang sa gayun ay mas totoo at maganda ang ating ma­ging desisyon at hindi tayo magsisi sa huli ‘pag nagkataong, palpak ‘yung mga kandita­tong ibinoto natin.

Sa ngayon, usung-uso na ang salitang “legit”, kaya makisabay tayo sa agos at umi­was na tayo sa “fake news”!

Gayundin, para mas totoo, hindi bias at walang halong panloloko ang mga makukuha nating impormasyon tayo na mismo ang gu­mawa ng paraan para maging maalam sa mga nangyayari sa bansa.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page