top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga naki-'Save Manila Bay', hindi naman naglinis gusto lang mag-selfie, mga epal!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 28, 2019
  • 2 min read

MARTIAL LAW NI P-DU­TERTE SA MINDA­NAO, SABLAY—Ipinag-utos ni Defense Sec. Delfin Lorenzana sa AFP at PNP na magpairal ng red alert status sa Minda­nao matapos ang pagpapa­sabog na isinagawa ng mga terorista sa Jolo Catholic Cathedral sa Sulu na ikinasawi ng 27 katao at pagkakasugat ng iba pa.

Ganu’n? Aba, sablay pala ang Martial Law ni P-Duterte sa Mindanao kasi kung kailan may naganap na pagpapasabog ay saka lang sila nag­deklara ng red alert sa rehiyong ‘yan, boom!

◘◘◘

MGA TAONG GA­LIT SA CATHOLIC CHURCH, TIYAK HAP­PY SA NAGANAP NA PAGPAPASABOG SA JOLO CATHEDRAL — Kung may na­lungkot sa naganap na pagpapasabog sa Jolo Catholic Cathedral, tiyak na may natutuwa rin.

Ang mga natutuwa, siyempre ay ang mga taong nagpapakita ng galit sa Catholic Church, period!

◘◘◘

KARAMIHAN SA MGA LUMAHOK SA ‘SAVE MANILA BAY’ AY MGA EPAL!—Kara­mihan sa libu-libong luma­hok sa “Save Manila Bay” ay nagpaepal lang at hindi naman tumulong sa paglilinis ng Manila Bay.

Hindi naman sila lumu­song sa dagat para alisin ang mga dumi kundi mga nagsipag-selfie lang para may mai-post sa social media at patunay d’yan na ang mga mukha ng mga lumahok sa “Save Manila Bay” ay kalat na ngayon sa Facebook, mga buwisit!

◘◘◘

DAGSA ANG MGA MANRARAKET SA JURISDICTION NI PANGASINAN PNP DIRECTOR LOPEZ—Nadagdagan na naman ang mga manraraket sa Panga­sinan kasi kung dati ay sina “Rosbee” ng Binalonan, “Fronda” ng San Nicolas, “Yolly” ng Villasis, “Edong” ng Urdaneta at “Magat” ng San Carlos City lang ang may pa-drop balls at color games, ngayon daw ay may ganitong raket na rin sina “Marie”, “Alex” at “Ricky” ng Asingan, pawang sa Pangasinan.

Pambihira, imbes na ipatigil ni Pangasinan PNP Director Sr. Supt. Wilson Lopez ang raket ng mga manraraket na ito, nadagdagan pa ang mga nanraraket sa kanyang jurisdiction, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page