top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

LANTERNS AT EL TIGRE, TUMIBAY PA ANG KAPIT SA PLAYOFF BID

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 28, 2019
1 min read

PINAG-IBAYO ng host team Pampanga at Mandaluyong ang kanilang playoff bid sa MPBL Datu Cup sa bisa ng kani-kanyang panalo laban sa mga karibal noong Sabado ng gabi sa Angeles University Foundation Arena.

Ang Lanterns ay pinagbidahan ni Michael Juico na rumagasa sa layups sa krusyal na bakbakan upang manalasa ang Pampanga sa 87-80- win laban sa mahigpit na karibal na Muntinlupa.

Sa naturang pagwawagi, pinag-ibayo ng Pampanga ang win-loss record sa 8-12, ang parehong record na hawak din ng Mandaluyong na tinalo ang Cebu, 72-63 sa nakaraan nilang laban.

Ang Lanterns at ang El Tigre ay magkasalo na sa 8th spot sa pahirapang northern division tournament na itinatag ni Manny Pacquiao kung saan si PBA legend at dating MVP Kenneth Duremdes ang commissioner.

Itinarak ng Mandaluyong ang 13-0 run sa bisa ng tikas ni Jonathan Boholano. Namuno rin si Gian Abrigo para sa Mandaluyong na may 18 iskor kasunod ni Alex Torres na may 14. May naiambag si Janus Lozada na 13 habang si Boholano ay may 9. Dinomina ni Antonio Bonsubre ang rebounding, sumunggab ng 14 boards. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page