top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kaso ng rape, tumaas

  • Vyne Reyes
  • Jan 28, 2019
  • 1 min read

NAITALA ng pulisya ang paglobo ng mga kaso ng panghahalay sa Quezon City noong nakaraang taon.

Sa tala ng Philippine National Police (PNP), mula sa 206 na kaso noong 2017, umabot sa 298 ang naiulat na insidente ng panggagahasa sa lungsod noong 2018.

Ayon sa PNP, pumangalawa sa Quezon City ang Lungsod ng Maynila na may 184 rape cases. Pangatlo ang Davao City na may 174 rape incidents.

Pang-apat sa listahan ang Zamboanga City na may 116 naiulat na kaso na malaking paglobo mula sa 22 na naitala noong 2018.

Nasa Top 5 naman ang Cagayan de Oro City na may 86 rape cases.

Naniniwala si Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt.

Joselito Esquivel, Jr., na ang pagdami ng bilang ng mga naitatalang kaso ng rape ay nangangahulugan na marami na ngayon ang naglalakas-loob na magsumbong sa mga awtoridad.

Hindi aniya tulad sa mga nakalipas na panahon, karaniwang takot ang mga biktima ng panghahalay na magsumbong sa pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page