HAHATAW ANG JAPAN CUP AT PHILRACOM 3YO & ABOVE LEVEL
- Green Lantern
- Jan 28, 2019
- 1 min read

MALAPIT nang dumating ang buwan ng Pebrero at dalawang pakarera ang inaabangan ng ‘Bayang Karerista.’
Hahataw ngayong Linggo Pebrero 3 ang 2019 “Japan Cup” na paglalabanan ng walong mananakbo ng imported at local horses sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.
Pangungunahan ng mga kabayo mula sa grupo ng local horses na Eugene Onegin; Hiway One; Lakan; Son Also Rises laban sa mga imported horses na Lemon Drop Title; Pride of Laguna, Sooner Time at Summer Romance.
May nakalaang P500,000 na papremyo ang nasabing karera na tatawid sa distansiyang 1,400 meters. Hahatiin ang premyo sa P300,000 na mapupunta sa tatanghaling kampeon, makatatanggap ng P112,500, ang 2nd placer, mag-uuwi ng P62,500 ang 3rd placer at mapupunta sa 4th placer ng P25,000.
Walang tulak kabigin sa mga kalahok na mula sa mga local at imported horses sa taunang karera ng bansang Japan.
Samantala, hahataw sa Saddle and Club Leisure Park ang 2019 Philracom “4 Year Old and Above Local” sa Pebrero 17, sa Naic, Cavite.
Magdadala ng timbang na 52 kgs ang babae na 4 na taon habang ang lalaki ay 54 kgs. at ang 5-anyos na babae ay magdadala ng 53 kgs at 55 kgs ang 5-anyos na kabayo.
Samantala magdadala ng 54 kgs ang 6 at higit pa ang edad na babae at 56 na lalaki. Makatatanggap ng P15,000 ang breeder sa mananalong kabayo.





Comments