Eastern Samar nilindol

NIYANIG ng Magnitude 5.1 na lindol ang bayan ng Hernani sa Eastern Samar, kahapon ng hapon.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagyanig alas-2:24 ng hapon kung saan natunton ang sentro nito sa layong 44 kilometro hilagang-silangan ng Hernani.
May lalim na 11 kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.
Naiulat ng Phivolcs ang Intensity III sa Tacloban City, gayundin sa mga bayan ng Babatngon at Barugo sa Leyte.
Ang instrumental Intensity III ay naitala sa Borongan City habang ang instrumental Intensity II sa Palo, Leyte.
Hindi na inaasahan ng Phivolcs na magdudulot ng pinsala ang naturang lindol ngunit, posibleng magkaroon ng aftershocks.





Comments