top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Be a good example kasi... YOUNG ACTRESS, 'DI PA MAN SUPERSTAR, YUMABANG NA KAYA NALAOS, SOBRANG

  • Erlinda Rapadas
  • Jan 28, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

KAPANSIN-PANSIN ngayon ang emote at hugot ng isang young actress na senyales na ng kanyang insecurity sa ilang baguhang young actresses na kasama niya sa TV network.

Dumalang na kasi ang projects ng feeling-sikat na young actress. May mga baguhan at batang aktres na sumulpot at unti-unti na siyang nasasapawan. Magaganda rin ang mga ito at magagaling umarte. At ang importante, nagre-rate at nagtatagal ang shows ng mga ito kumpara sa kanyang show. Nararamdaman na ni young actress na hindi na rin siya ang paborito ng network.

Madalang lang ang project niya. Bihira na rin ang kanyang TV guestings.

Takang-taka si young actress kung ano ang nangyayari sa kanyang career? Saan siya nagkulang? Saan siya nagkamali? Bakit lumamig na ang karisma niya sa mga viewers? Bakit hindi na siya napapansin? Bakit hindi na siya pinag-uusapan at naisusulat?

May kasagutan naman ang ilang showbiz observers sa mga katanungang ito ni young actress.

Una, sobra siyang yumabang at bumilib sa sarili. Nagbago na rin siya ng ugali at kulang na kulang ang PR sa press people. Hindi na ito sweet tulad dati. Wala pa siyang napapatunayan, eh, lumaki na agad ang ulo. Ayan, naiwanan na siya nang milya-milya ng mga kasabayan niya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page