‘One-stop shop’ para sa mga problema, papeles | DEPARTMENT OF OVERSEAS FILIPINO WORKER, INIHIRIT
- Mylene Alfonso
- Jan 28, 2019
- 1 min read

UPANG mabigyan ng solusyon ang problema ng milyun-milyong overseas Filipino workers (OFWs), inihihirit ang Department of Overseas Filipino Workers (DOFW).
Ayon kay dating Special Assistant to President Christopher ‘Bong’ Go, nais ng Pangulong Rodrigo Duterte na unahing tulungan at resolbahin ang patung-patong na problema ng mga OFW na hindi masyadong matugunan ng ilang ahensiya ng pamahalaan tulad ng DFA, DOLE, POEA at OWWA.
“Parang one-stop shop siya na puwede na mag-renew ng passport, kumuha ng birth certificate, reklamo laban sa hindi nasunod na kontrata, pagpapauwi sa OFW at maging sa remittance nila para sa pamilya at marami pang iba,” ani Go.
Kaugnay nito, nauubos umano ang oras ng OFW sa pag-aayos ng kanyang papeles, passport o kontrata habang nagbabakasyon dahil iba’t ibang ahensiya ang kailangang puntahan para ayusin ito sa halip na i-bonding time niya iyon sa kanyang pamilya.
Pati ang problema sa remittance ng mga OFW, medical, dental benefits at retirement pay ay hahawakan din ng DOFW.





Comments