top of page

Turista, bawal sa PMA nang weekdays

  • Jeff Tumbado
  • Jan 27, 2019
  • 1 min read

NAIS ipabatid sa publiko ng pamunuan ng Philippine Military Academy (PMA) na kanila nang isasara ang akademya mula sa mga turista tuwing Lunes hanggang Biyernes.

Ito ang ipinahayag na abiso ni Lt. Col. Harry Ballaga, information officer ng PMA.

Gayunman, patuloy ang pagbubukas ng mga pasilidad ng akademya para sa mga turista tuwing Sabado at Linggo.

Paliwanag ni Ballaga, ang pagsasara ng PMA mula sa mga turista tuwing weekdays ay bahagi ng isinasagawang pag-aaral ng akademya para makapag-institute sila ng mga tourism-related reform na hindi magiging hadlang sa pagsasanay ng mga kadete tuwing weekdays.

Pinag-aaralan umano nila ngayon ang posibilidad ng scheduled group tours tuwing weekends para sa mga turista sa PMA na isa sa mga pinakasikat na tourist destinations sa Lungsod ng Baguio.

Isasara ang akademya hanggang maisapinal na ang detalye ng isinasagawang pag-aaral.

Bubuksan sa mga turista ang PMA sa gagawing alumni homecoming sa February 16 dahil maitataon ito nang Sabado.

Dagdag pa ni Ballaga na sa month-long Panagbenga Festival ay kailangang sumunod pa rin ang mga turista sa weekday closure ng PMA.

Hinihiling din ni Ballaga ang pang-unawa ng publiko sa nasabing hakbang ng PMA.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page