Nag-inuman, ‘di nagkaintindihan | MISTER TINARAKAN NI MISIS
- BULGAR

- Jan 27, 2019
- 1 min read

ARESTADO ang isang misis makaraang saksakin ang kanyang mister sa kanilang bahay sa Bgy. Dinginan, Roxas City.
Patuloy namang ginagamot sa ospital ang biktima na si Rolly Ballos, Sr., 48, sanhi ng sugat sa likod habang nasa kulungan na ang misis nitong si Emily Ballos.
Nauna rito, magkasama ang mag-asawang umiinom sa bahay kasama rin ang kanilang mga anak.
Gayunman, nasa kalagitnaan ng inuman ang pamilya nang biglang magkainitan ang mag-asawa dahil sa hindi napagkasunduang isyu.
Bigla umanong kinuha ng misis ang kutsilyo saka sinaksak sa nakatalikod na mister.
Agad humingi ng tulong ang mga anak ng mag-asawa sa kanilang kapitbahay hanggang sa dumating ang mga barangay tanod na siyang nagdala sa biktima sa ospital. (BRT)





Comments