top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kahit kaliwa’t kanan pa rin ang drug related crimes tulad ng murder at rape | Hirit ng PDEA: 10,000

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 27, 2019
2 min read

ANG droga ay parang pag-ibig, nakaaadik, pero kailangan nating iwasan, lalo na kung hindi na nakagaganda sa ating buhay.

Iligal na droga, ito ang higit na nakasisira sa buhay ng tao kung saan sa oras na gumamit nito ay makagagawa tayo ng mga bagay na hindi natin kontrolado, kaya naman mahigpit ang kampanya ng pamahalaan laban sa drogang ipinagbabawal.

Gayunman, base sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), noong Disyembre 2018, naideklara na nasa 10,000 barangays na ang malinis kontra sa iligal na droga.

‘Yun nga lang, bakit parang hindi natin ito maramdaman? Ito ay dahil hanggang ngayon, kaliwa’t kanan pa rin ang nababalitang may kinalaman sa iligal na droga sa bansa kung saan may isyu ng patayan, ginahasa at iba pang krimen.

Oo, totoo, marami na ang namatay dahil sa oplan-tokhang, pero hindi ibig sabihin nito, eh, ligtas na tayo laban sa nakababahalang droga na ‘yan!

Hangga’t hindi nahuhuli ang mga nasa itaas o ‘yung pinagmumulan, patuloy pa rin ang paglaganap niyan, lalo na at problema rin dito ang kahirapan na isa rin sa mga dahilan kaya marami sa atin ang kumakapit sa patalim at gumagawa ng iligal na aktibidad.

Samantala, ngayon, sinabi ng PDEA na mayroon pang 22,467 barangays sa bansa ang may umiiral pa ring kalakaran ng iligal na droga.

Sa totoo lang, sadyang mahirap talagang labanan ang paglaganap nito, lalo na kung ang kalaban mo, eh, ‘yung mamamayan na wala na sa katinuan.

Bagama’t, mahirap, manalig pa rin tayong lahat na darating din ang panahon kung saan masasabi natin ligtas na ang bansa kaya hindi na natin kailangang mabahala, lalo na para sa kinabukasan ng mga kabataang maaga pa lang, eh, namumulat na sa ganitong buhay.

Kaya, ang paalala natin sa publiko, droga ay iwasan para sa magandang kinabukasan!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page