top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hirit ni P-Digong na huwag iboto ang mga walang alam, nag-boomerang kina “Bong” Go, “Bato” at Freddi

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 27, 2019
  • 2 min read

SINABI NI P-DUTERTE NA HUWAG IBOTO ANG MGA WALANG ALAM, KINA “BONG” GO, “BATO” AT FREDDIE, NAG-BOOMERANG — Dapat bago magsalita sa harap ng publiko, isipin muna ni P-Duterte kung hindi ito magbu-boomerang sa mga ikinakampanya niyang kandidato sa pagka-senador.

Tila nag-boomerang kina ex-SAP Christopher “Bong” Go, ex-PNP Chief Gen. Ronald “Bato” dela Rosa at ex-Adviser for Culture and the Arts (NCCA)/ Musician Freddie Aguilar ang sinabi ni P-Duterte sa harap ng mga miyembro ng TODA sa Pasay City na huwag daw iboto ang mga kandidatong walang alam.

Alam ng publiko na walang alam sa serbisyo-publiko si “Bong” Go dahil kay P-Duterte lang ito naglilingkod, si Gen. ‘Bato” naman aminadong walang alam sa ekonomiya at si Freddie, sinabing wala raw record na nangamkam ng lupa ang China kahit binalak nitong sakupin ang Spratlys Island at Scarborough Shoal.

Dahil sa sinabing ‘yan ni P-Duterte, baka hindi iboto ng publiko ang tatlo niyang kandidatong walang alam!

◘◘◘

2 KAPARTIDO NI P-DUTERTE, ANG LAKAS GUMASTOS SA KABAN NG BAYAN — Kung sa hanay ng mga senador, si PDP-Laban President Sen. Koko Pimentel ang may pinakamalaking nagastos sa kaban ng bayan, sa hanay naman ng mga kongresista ay si PDP-Laban Secretary-General Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang may pinakamalaking nagastos sa pera ng bayan.

‘Yan ang mga katropa ni P-Duterte sa PDP-Laban, mga gastador, pwe!

◘◘◘

P-DUTERTE, MAS POKUS SA PANG-AALIPUSTA SA DIYOS AT EJK KAYSA LUMIKHA NG TRABAHO PARA SA MGA PINOY— Ibinulgar ng IBON Foundation research group na 81,000 trabaho lang daw ang naipagkaloob ng Duterte gov’t. sa mga jobless Pinoy.

Hindi kataka-taka ‘yan, mas nakapokus kasi si P-Duterte sa pang-aalipusta sa Diyos at EJK kaysa lumikha ng maraming trabaho para sa mga Pinoy, boom!

◘◘◘

ILLEGAL TERMINAL NI ‘LIGAYA’, BALIK-OPERASYON NA NAMAN SA PLAZA LAWTON — Balik-operasyon na naman daw ang illegal terminal ni “Ligaya” sa Lawton, Manila at dahil d’yan, nagkakabuhul-buhol na naman ang daloy ng trapiko sa lugar na ‘yun.

Dapat yata, dakpin, kasuhan at ikulong na ng MMDA si “Ligaya” para matigil na ang raket nitong illegal terminal sa Plaza Lawton, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page