top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hindi sa manugang na si Aljur… ROBIN, KINA COCO AT DINGDONG GUSTONG IPAMANA ANG TRONO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 27, 2019
  • 2 min read

ANG bilis ng sagot ni Robin Padilla nang matanong kung close na ba sila ng manugang na si Aljur Abrenica.

“Oo, very (close)!” sambit ni Binoe.

“‘Tol” daw ang tawag niya kay Aljur na normal naman talagang tawag ni Binoe sa mga kasamahan niya sa industriya at mga kaibigan na rin. Siyempre, “Daddy” daw ang tawag sa kanya ni Aljur pero nakokornihan daw siya.

“Iba na panahon ngayon, hindi na ganu’n. Baka sa usapin ng magkaibigan at mag-best friend, mas mahalin pa niya lalo ang anak ko (Kylie Padilla),” sey ng action star na bida sa Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story.

Masaya na ba siya para kina Kylie at Aljur ngayon?

“Dati naman akong masaya sa. . . masaya ‘yung anak ko. Ang inaano ko lang naman dati, bigyan nila ng pangalan ‘yung anak nila. Nabigyan na nila, di ayos! Praise God!” pahayag pa ni Robin.

Naikuwento rin ng action star na dapat ay si Aljur sana ang kinukuha nila para sa bioflick ni Bato pero hindi raw nag-materialize dahil nga ang daming umiintriga na propaganda movie ito.

Kung siya lang daw, talagang gusto na niyang ipamana sa mga younger action star ang kanyang trono. Siyempre, una sa listahan niya si Coco Martin.

Bukod kay Coco, sino pa ang nakikita niyang puwedeng pamanahan ng kanyang trono sa action?

“Si Dingdong (Dantes), okay sa akin si Dingdong, magandang kumilos si Dingdong din, eh. Si Dennis Trillo, okay din naman. Pero sana, ang inaano ko, ‘yung totoong martial artist, naghahanap talaga ako. ‘Yung magdadala ng FMA (Filipino Martial Arts) sa Asia, ‘yun talaga ang dream ko.”

Hindi ba puwede ang bunso niyang anak na si Ali?

“Anak ko? Naku!” nagulat na sey ni Robin. “Eh, siguro, mag-training siya ulit.

Wala, in love, eh, may girlfriend, eh. Hayaan mo muna siya,” sey ni Binoe.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page