Dam sa Brazil gumuho, ingat 'Angat'
- BULGAR

- Jan 27, 2019
- 1 min read
INILABAS na ng Comelec ang final list ng mga senador kasama ang mga under-protest.
Kumbaga, hindi pa “final” ang “final”!
◘◘◘
INILABAS din ang listahan ng mga “qualified” partylist candidate.
Pero, maaari pang madiskuwalipika ang ilang nasa listahan.
Gayundin, hindi “final” ang “final” ng Comelec!
◘◘◘
NILAGDAAN na ni P-Digong ang batas na nagkakaloob ng Filipino citizenship sa New Zealander na si Bruce McTavish.
Isang international boxing referee si McTavish.
Panalo si McTavish!
◘◘◘
GUMUHO ang isang dam sa Brazil, marami ang namatay at hindi pa mabilang ang nawawala.
Huwag sanang maganap ito sa Angat Dam!
◘◘◘
ISANG Pinay ang nagtatrabaho ngayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA).
Kapag nagpadala ng unang tao sa Mars, magkakaroon ng “lahing kayumanggi” sa outer space!
◘◘◘
NAGSARADO ang ilang opisina sa U.S. government.
Huwag sanang maranasan ito ng Pilipinas!





Comments