top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

BRONER, MAY WARRANT OF ARREST ULI SA FLORIDA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 27, 2019
1 min read

WANTED na naman si Adrien Broner sa Florida.

Nabigong magpakitang muli ang star boxer sa Broward County noong Huwebes kaya nag-isyu ang judge na warrant para sa pag-aresto agad sa kanya.

Hindi ito ang unang beses na si Broner ay nagkaproblema, dalawang ulit siyang naaresto dahil sa pareho ring isyu kabilang na ang problema nang nakaraang buwan kung saan siya na-estafa at pagmamaneho nang matulin noong Dis. 2017.

Nasaan nga kaya si Broner at hindi ito dumalo sa hearing noong Huwebes? Nasa Los Angeles Lakers NBA game siya noong Huwebes at doon siya huling namataan.

Inaresto ng pulisya ang 29-anyos na boxer dahil na rin sa wala itong driver’s license, over speeding, walang registration o proof of insurance ng kanyang minamanehong sasakyan noong Dis, 7, 2017. Pero hindi ito sumisipot sa court hearing mula noon. Kung nagpakita ito sa pagdinig, huwag nang magtaka kung babatuhin siya ang libro ng judge dahil sa pang-iisnab sa mga court hearing. Ilang linggo bago ang laban niya kay Manny Pacquiao ay naaresto siya noong Dis. 23, 2018 dahil naman sa kasong pangungutang ng mga alahas at hindi nagbababayad kaya siya na-estafa. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page