76 senatorial candidates, pasok sa partial list — Comelec

AABOT sa 76 pangalan ang kasama sa partial list ng mga kandidato sa pagka-senador para sa 2019 Midterm Elections, ayon sa Commission on Elections.
Hindi pa umano natatapos resolbahin ng poll body ang nuisance at disqualification cases laban sa 13 pang aspirante kasama sina incumbent Sen. Aquilino Pimentel III at dating Sen. Sergio Osmeña III.
Nilinaw naman ni James Jimenez na sa 76 pangalan na ito ay may 13 pang maaaring matanggal hangga‘t hindi pa pinal ang desisyon sa kanilang mga kinahaharap na reklamo.
Dalawang petition for disqualification ang kinahaharap ni Pimentel na naggigiit na hindi na ito puwedeng tumakbo ng isa pang termino.
Matatandaan, na noong 2011 ay nakaupo bilang senador si Pimentel matapos mapatunayang siya ang nakakuha ng panghuling slot sa senatorial elections noong 2010.
Habang si Osmeña naman ay sinampahan ng perpetual disqualification ng campaign finance office ng poll body matapos mabigong magsumite ng campaign expense reports noong 2010 at 2016.





Comments