“POWER STRUGGLE SA 2 GRUPO NG PHL VOLLEY, SANA MATAPOS NA”-ALYSSA

UMAASA si volleyball superstar Alyssa Valdez sa bagong taon na tuluyan nang malutas ang matagal na power struggle sa pagitan ng dalawang grupo at manumbalik ang dating sigla sa sport.
Sa panayam sa kanya sa golf club sa Binangonan, Rizal, sinabi ni Valdez na sana ay magka-isa at magsama-sama ang dalawang grupo tungo sa pagbabago at pag-unlad sa volleyball na malapit sa kanyang puso kung saan siya nakilala at naging superstar dahil sa taglay niya ang galing.
Dalawang grupo ng volleyball ang Philippine Volleyball Federation na pinamumunuan ni Edgardo Cantada at Samahang Volleyball sa Pilipinas na pinamumunuan ni Joey Romasanta. Ang dalawang grupo ay kapwa nagtungo sa opisina ng World Volleyball Federation (FIVB) at isinumite ang kanilang position papers.
Inaasahang lulutasin ng FIVB ang sigalot sa volleyball sa ‘Pinas at kilalanin kung sino sa dalawang paksiyon ang dapat mamuno sa volleyball sa ‘Pinas. Sinabi ng Batanggenyang si Valdez na sana ay tuluyan nang malutas ang matagal na suliraning bumalot sa volleyball at muling makapag-umpisa sa ilalim ng lehitimong asosasyon na kinikilala ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission.





Comments