top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tinapyas na pondo ng Health Facilities Enhancement Program, oks na!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2019
1 min read

TAGUMPAY tayo sa pagsisikap na maibalik ang tinapyas na pondo para sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP) sa ilalim ng 2019 Department of Health Budget.

Sa tulong ng ating mga kapwa senador, naibalik ang P16.796 bilyon para sa HFEP at nagdagdag din ng P4.797 bilyon para naman sa Human Resource for Health Development (HRHD).

Isipin natin, kung tuluyang nawala ang HFEP fund, aba, diskaril ang mga ipinagagawang health facility.

Sa kasalukuyan, may 900 facilities ang 100 percent finished na ang construction, pero walang equipment, 93 ang 90 percent completed, 235 ang 80 percent completed at 88 ang 70 percent completed.

Kung hindi mapopondohan ang HFEP ngayong taon, mistulang “white elephant” din ang mga naitayong pasilidad dahil kulang o totally walang medical equipment.

Ang masaklap, hindi malawakang maipatutupad ang Universal Health Care measure na ngayon ay enrolled bill na at pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para maging ganap na batas.

Ngayong naibalik na ang HFEP fund, okay na ang pondo para sa mga proyekto at malalagyan na ng mga gamit kaya maseserbisyuhan na nang maayos ang ating mga kababayan.

Kung hindi naibalik ang pondo para sa HRHD, nanganganib na mawalan ng trabaho ang libu-libong personnel ng local government units (LGUs) at DOH facilities.

Gayundin, nagpapasalamat tayo kina Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Chairman ng Senate Committee on Finance Senator Loren Legarda, Majority Leader Migz Zubiri, Minority Leader Franklin Drilon at sa lahat ng ating mga kapwa senador.

Pinatunayan lamang ng kooperasyon sa Senado na kapag kapakanan ng mga kababayan ang nakataya, we cross party lines, ikinararangal natin na mapabilang sa institusyong ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page