top of page

Sey ng experts...ICE CREAM NA KERING MAKAPAGPAHIMBING NG TULOG, PATOK!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 26, 2019
  • 2 min read

SHOUTOUT sa mga nahihirapang ma­tulog sa gabi, kaya nagmi-midnight snack na lang. Ha-ha-ha! Madalas ba ka­yong mag-midnight snack para antukin at tu­luyan nang makatulog? Ang tanong, ma­sustansiya ba ang mga kinakain ninyo? Hmmm… pero, don’t worry dahil may­roon ng pagkain ang tiyak na makapag­papahimbing sa inyong pagtulog. Wow!

Marami sa atin ang naghahangad ng kumpleto at mahimbing na tulog, ngunit, ang resposibilidad sa traba­ho, pag-aaral, pamilya at iba pa ang karaniwang pumipi­gil para makuha natin ito, araw-araw.

Gayunman, may ilan sa atin ang hirap matulog dahil nasira ang kanilang sleeping cycle, kaya nagmi-mid­night snack na lamang para tuluyang antukin at ma­katulog.

Pero, ayon sa mga eksperto, ang madalas na kina­kain natin sa pagmi-midnight snack tulad ng iba’t ibang uri ng chips o matatamis na pagkain ay posibleng naglalaman ng mga sangkap na hindi nakatutulong para magkaroon tayo ng mahimbing na tulog.

Kaya mayroong kumpanya ang nag-imbento ng ice cream na perfect maging midnight snack dahil sa mga sangkap nito na nakatutulong upang makatulog nang mahimbing ang indibidwal.

Ang ice cream na ito ay tinawag na Nightfood Ice Cream kung saan ang pagkaing ito ay ma­ka­pagbibigay umano ng magandang epekto sa in­dibid­wal na nahihirapang matulog sa gabi, ga­yun­din, sa mga madalas na nagha­hanap ng midnight snack.

Ang calorie content ng Nightfood Ice Cream ay nasa 280 hanggang 400 kung saan mas mababa ito sa bilang ng calorie na mayroon ang ibang uri ng midnight snack.

Samantala, ayon sa mga eksperto, ang mas mababang bilang ng calorie sa pagkain ay na­ngangahulugang mas kakaunti ang asukal na mayroon ito.

Dagdag pa nila, ang kombinasyon ng mga sangkap na mababa ang sugar content at ma­raming protein ay nakatutulong upang mag­karoon ng mahimbing na tulog sa gabi ang indi­bidwal.

Gayundin, kung ikukumpara ito sa mga pagkain na mataas ang fat at sugar content, mas nahihirapang mag­karoon nang mahimbing na tulog ang indibidwal.

Ayon kay Dr. Eddie Fatakhov, ang mga sangkap ng Nightfood Ice Cream ay mayroong synergistic effect sa pagtulog.

Kabilang sa mga sangkap nito ang glycine na nakai-improve ng insomnia maging ang magnesium na naka­tutulong upang ma-regulate ang sleep hormone na me­latonin na nakababawas ng sinto­mas ng anxiety.

Bagama’t, hindi pa nailalabas sa merkado ang Night­food Ice Cream, may ilan ng nakasubok nito at ayon sa kanila, epektibo umano ang pagkain ng nasabing ice cream bilang midnight snack dahil gumanda ang kani­lang sleeping cycle.

Ayon sa kumpanya, nakatakdang ibenta sa mer­kado ang Nightfood Ice Cream ngayong taon, partikular sa buwan ng Pebrero.

Oh, ayan, para sa mga bro at sis natin diyan na mahi­lig mag-midnight snack, alam n’yo na kung ano ang ita-try n‘yo, ha?

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page