Sa relasyon nila ngayon ni Maine… HIRIT NI ARJO: ALDEN, 'WAG NANG IDAMAY!
- BULGAR

- Jan 26, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

ITINANGGI ni Arjo Atayde na binawi niya ang pahayag na “exclusively dating” sila ni Maine Mendoza sa presscon ng ‘Tol at na-interview siya ni Anthony Taberna sa Umagang Kay Ganda tungkol doon.
Sa pag-uusap nina Arjo at katotong Reggee Bonoan via text, sinabi ni Arjo na imbento ang kumalat na pagbawi niya sa ipinahayag and in fact, may date sila sa Friday evening (last night) ni Maine.
Kasunod nito, via Twitter, nakiusap si Arjo na tigilan na ang pamba-bash kay Alden Richards. “‘Wag na po idamay si Alden please... let’s just keep quiet and move on.”
Reaction ito ni Arjo sa fan ni Maine na nag-post ng video na inaambahan daw ng suntok ni Alden ang ka-love team, eh, sabi ng fans ng Pambansang Bae, kuha ang video sa premiere night ng isang movie nila kung saan nagbibiruan ang dalawa.
“I appreciate you... don’t get me wrong... but just be the better person and be happy:) the negative energy they give is useless it ain’t changing anything:) so smile!!! THANK YOU SA INYO,” patuloy ni Arjo.
Nakiusap din ang mga fans ni Arjo na ‘wag isali si Alden sa isyu nila ni Maine dahil nananahimik ito at tuloy lang ang trabaho.





Comments