top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pulis-Makati na nangikil sa habal-habal driver sa Taguig, huli!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 26, 2019
  • 2 min read

DISMAYADO si NCRPO Chief Director General Guillermo Eleazar ma­ta­pos mahuli ang isang opisyal ng Makati police, kama­kailan dahil sa pangingikil sa habal-habal driver.

Ang suspek ay kinilalang si SPO4 Danilo Paghubasan, deputy commander ng PCP 9 ng Makati City Police Station.

Naaresto si Paghubasan sa entrap­ment operation sa PNP Counter Intelli­gence Task Force (CITF) dahil sa pango­ngotong ng P15,000 sa driver ng habal-habal sa Taguig.

Gayunman, sinabi ni General Eleazar na mataas na ang posisyon ng nasabing pasaway na pulis kung saan malapit na itong magretiro, ‘yun nga lang, mukhang ang kanyang pagi­ging pasaway ay walang pinipiling pagkaka­taon o ranggo. Tsk!

Samantala, sa mahigit 28,000 miyem­bro ng NCRPO, alam nating lahat na isa lang sa kanila ang makagawa ng kaloko­han ay pani­gurado ng may malaking epek­to sa kanilang buong organisasyon, lalo na ngayong sirang-sira na ang imahe nila sa karamihan dahil sa sunud-sunod na paggawa ng iligal na aktibi­dad.

Bagama’t, nakahihiya, sinabi ni Gene­ral Eleazar na hindi siya magdadalawang-isip na ilantad ang kalokohan ng kani­lang mga ka­samahan, lalo na kung usa­ping katiwalian.

Sa totoo lang, hindi na bago ang ga­nitong mga balita dahil tila nasanay na tayo sa mga kalokohang ginagawa ng ilan sa kanila, pero, siyempre, nais pa rin nating maging ma­ayos ang lahat para sa kapakanan ng bansa.

Sa ngayon, dapat lang na ituloy ang internal cleansing ng NCRPO upang ma­huli na ang mga pasaway na pulis.

Hiling natin na magsilbing leksiyon at ba­bala ito sa iba pang miyembro ng kanilang hanay nang sa gayun ay tumigil na sila sa pag­gawa ng iligal.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page