top of page
Pokwang.jpg

Nararapat gawin kapag nakasaksi ng insidente ng bullying

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta, Nakasaksi ng insidente ng bullying sa paaralan ang anak ko. Ito ay naganap sa pagitan ng dalawa niyang kaklase. Nais kong malaman kung ano ang nararapat gawin ng aking anak tungkol dito?— Zion

Dear Zion, Para sa inyong kaalaman, ang Section 10 (B) (b), Rule VI ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 10627 o ang “Anti-Bullying Act of 2013” ang batas na naaangkop sa inyong sitwasyon. Ayon sa nabanggit na panuntunan:

“Section 10. Procedures in Handling Bullying Incidents in Schools

xxx

“b. Reporting the Bullying Incident or Retaliation

1. A victim or a bystander, or a school personnel who receives information of a bullying incident or retaliation, or any person, who witnesses or has personal knowledge of any incident of bullying or retaliation, shall report the same to the teacher, guidance coordinator or counselor or any person designated to handle bullying incidents.

xxx.”

Base sa nabanggit na panuntunan, nararapat na iulat ng biktima, testigo o empleyado ng paaralan na nakatanggap ng impormasyong may kinalaman sa insidente ng bullying o sinumang nakakita o mayroong personal na kaalaman ng ganitong uri ng insidente, sa mga guro, guidance coordinator /counselor o sinumang opisyal ng paaralan na itinakda upang humawak ng mga insidenteng mayroong kinalaman sa bullying.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page