Kahit sobrang nega… TONY, NAKALUSOT SA PAMBABASTOS SA IMMIGRATION OFFICER, BALIK-SHOOTING

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

SA wakas, nakakuha na nga ang aktor na si Tony Labrusca ng work permit matapos ang isyung kinasangkutan nu’ng January 3 kontra sa Immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, kung saan diumano’y sinigawan at binastos ng aktor ang ilan sa mga ito pati na ang kanilang supervisor.
Noong Miyerkules (January 23), nagsimula na ngang mag-shooting ang aktor para sa pelikulang Ang Babae sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken, na ipapalabas sa iWant.
Sa Instagram account ng direktor ng pelikula na si Joey Reyes, masaya niyang ibinahagi ang kanyang selfie kasama si Tony at nilagyan ng caption na: “Now taping: #babaesaseptictank3 with Labrusca! On camera work!”
Sinundan niya ito ng post kasama ang buong cast ng pelikula at may caption na: “ANG BABAE SA SEPTIC TANK 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken — NOW FILMING! #behappy.”
Kasunod nito, may isang netizen ang lakas-loob na nagtanong kung nakakuha na raw ba si Tony ng work permit.
Agad naman itong sinagot ni Direk Joey at sinabing: “Yes, he has acquired the work permit. Otherwise he would not be on the set.”
Mukhang maayos na nga ngayon ang estado ni Tony sa Bureau of Immigration matapos malagay sa alanganin ang kanyang career dahil sa isyung kinasangkutan.





Comments