top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

DYIP, NILUNOD ANG BATANG PIER

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2019
2 min read

IPINAKITA ng Colum­bian Dyip na hindi tsamba ang kanilang panalo laban sa heavyweight na San Miguel Beer sa kanilang unang laban.

Pitong Dyip players ang umiskor ng double-digit upang sagasaan ang 110-100 panalo kontra NorthPort Batang Pier kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Ynares Center, Antipolo City. Nagtala ng tig-15 points sina Reden Celda, Jackson Corpuz at Jeepy Faundo habang 14 markers, 12 assists at anim na rebounds ang inambag ni Rashawn McCarthy para sa Colum­bian.

Nagtala rin si Dyip super rookie CJ Perez ng 12 pts., pitong boards at apat na assists habang may tig-12 puntos din sina JP Calvo at Eric Camson.

Pilit na kumakapit ang Columbian sa unang dala­wang periods kung saan apat na puntos lang ang kanilang hinahabol, 51-55.

Sa third natupad ang hangad ng Dyip na maa­gaw ang bandera, huma­rurot sila ng 35-24 para hawakan ang 86-79 ben­tahe.

Lalong ginanahan sa 4th period ang Dyip, hindi nila hinayaang mabawi sa kanila ang lamang at nakuha nila ang pangala­wang panalo sa tatlong laro.

Samantala, nais ng Ba­rangay Ginebra na maka­bangon agad mula sa pagkakadapa sa kanilang huling laro kontra tigasing San Miguel Beer, 91-99 noong Linggo sa Araneta Coliseum.

Tangan ang 1-1 karta, haharapin ng Gin Kings ang Rain or Shine sa 5 p.m. sa Calasiao Sports Complex.

Sasandalan ng crowd favorite Ginebra sina LA Tenorio at Japeth Aguilar upang makuha ang pa­nga­lawang panalo at makalapit ng bahagya sa tuktok.

Nagtala si Tenorio ng 24 points, anim na rebounds at limang assists habang 20 puntos at pi­tong rebounds ang inam­bag ni Aguilar sa talo nila sa Beermen. Pero panigu­radong hindi madali ang tatahakin ng Gin Kings dahil galing sa panalo at impresibo ang laro ng Elasto Painters laban sa NLEX, 96-87. May 1-0 baraha ang RoS, huhugot naman sila ng lakas kina “Big Game” James Yap at Javee Mocon. Nagtala si two-time Most Valuable Player, (MVP) Yap ng 20 pts. habang 13 puntos at limang rebounds ang bi­nakas ni Mocon. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page