300, LOCAL, DAYO, SISIYAPOL NA SA WORLD SLASHER CUP


SUPORTADO ng higit 300 entries, sisiyapol ang prestihiyosong 2019 World Slasher Cup 9 -Cock Invitational Derby sa Lunes, Enero 28 sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.
Maghaharap ang ilang foreign at local participants ngayong Sabado, Enero 26 sa tradisyonal na “pitting of the birds” sa Novotel Hotel Araneta Center Cubao, Quezon City.Ayon kay Pit Games Media CEO Manny Berbano, ang tunay na aksyon ay sa Enero 28, 29 at 30 (2 -cock elims), Enero 31, Peb. 1 at 2 (3 -cock semis), Peb. 3 at 4 (Day 1 and 2 finals) at Peb. 6 (Day 3 grand finals).
Suportado ng Excellence Poultry and Livestock Specialists ang siyam na araw na palaban ng Pintakasi of Champions. Tangka ni sabong idol Patrick Antonio, ang defending champion na iuwi ang kanyang ikawalong WSC title. Sasabak ang mga WSC champs na sina Biboy Enriquez ng Excellence, Nene Araneta, Ray Alexander ng Alabama, Rey Briones, Dicky Lim, Joey Sy, Ed Aparri, Art de Castro, Doc Ayong Lorenzo, Boy Marzo, Frank Berin, Dante Eslabon, Escolin Brothers, Rikki Reyes, Magno Lim, Peping Ricafort, Boy de Roca, Honey Yu, Noel Jarin at Joey delos Santos kasama si Bruce Brown ng California.
Ang mga dayo ay sina Marty Bently ng Ohio, Erik Rosales, Robert Dominguez at Bruce Brown ng California, Butch Cambra ng Hawaii, Nathan Jumper ng Mississipi, Tim Fitzgerald ng Utah, Bobby Fairchild ng Kentucky, Brent Douglas ng Black Bonanza fame at Ernest Atkins ng Tennessee. Ilan pa sa kasali ay sina Eddie Boy Ochoa, Jun Sevilla, Mel “Man Fighter” Lim, James Uy, Roel Gatchalian, Allan Siyaco, Celso Evangelista, James Uy, Gerald Ampil, Rhemy Medrano, Arman Santos, Crispin Aguas, Rey Morla, Tony Marfori, Virgilio Lacson, Boyet Plaza, Aylwyn Sy, Ricoy Palmares Jr., Efren Canlas, Doc Marvin Ricafort, Celso Salazar, Jet Fernando, Carlos Tumpalan, Dong Chung, Nelson Uy at Terence Madlambayan; Gerry Escalona, Pol Estrellado, Willard Ty, Ricky Magtuto, Marvin Perez, Eugene Perez at marami pang iba. (MC)





Comments