3 maute-isis todas sa militar

TATLONG miyembro ng Maute-ISIS ang nasawi sa patuloy na sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan sa bulubunduking bahagi ng Lanao del Sur.
Sa report kay 103rd Infantry Brigade Commander Col. Romeo Brawner, kasabay ng operasyon ang pagkakakubkob nila sa kuta ng Maute sa Sultan Dumalundong at Marogong sa Lanao del Sur.
Nakasagupa aniya ng mga tropa ang grupo ng terorista na pinamumunuan ni Owaida Marohombsar alyas Abu Dar.
Tatlo naman sa panig ng military ang nasugatan.
Ani Brawner, sa bulubunduking bahagi ng Sultan Dumalundong sa Lanao del Sur ang nakubkob ng mga sundalo kung saan maliban sa tatlong nasawi ay dalawang Maute pa ang sumuko.
Patuloy pa umano ang operasyon ng military laban sa iba pang miyembro ng grupo na pinaniniwalaang nasa 30, gayundin sa lider na si Abu Dar.
Nanawagan naman si Brawner sa mga residente sa lugar na huwag mag-panic dahil confined lang sa bulubunduking bahagi ng Sultan Dumalundong ang bakbakan.
Samantala, ayon kay Sr. Supt. Madzgani Mukaram, naglagay na sila ng roadblocks sa mga lansangan sa lugar para maiwasang makatakas si Abu Dar at kanyang mga tauhan.





Comments