top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Universal health bill pirmado na sa kamara

  • Vyne Reyes
  • Jan 25, 2019
  • 1 min read

KAUNTING hakbang na lang bago tuluyang maging ganap na batas ang Universal Health Bill na titiyak ng patas na access sa may kalidad at abot-kayang produkto at serbisyong pangkalusugan sa lahat ng Pilipino.

Kasunod ito ng paglalagda ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa nasabing panukala na naibalik na rin sa Senado para maihatid sa Malacañang at nang mapirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng UHC Act, ang bawat Pilipino ay awtomatikong kasama sa National Health Insurance Program (NHIP) na magkaroon ng access sa primary medical, dental, mental at emergency health services, mga gamot, diagnostic at laboratory, gayundin ng preventive, curative at rehabilitative care.

Ang Department of Health, sa pamamagitan ng PhilHealth, ang inaatasang mangasiwa sa programa.

Itinatakda rin ang paghahati sa dalawang grupo ng PhilHealth members — ang direct contributors o ang mga nagbabayad na miyembro at ang indirect contributors o ang mga hindi nagbabayad na miyembro at nakasubsidiya lang mula sa koleksiyon ng buwis.

Tinataya ni Health Secretary Francisco Duque na mangangailangan ng P257 billion para pondohan ang unang taon ng implementasyon ng programa.

Kukunin ang pondo mula sa Sin Tax Reform Law.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page