top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Roque, todo-buntot kay P-Digong, hindi naman siya ikinakampanya, hu-hu-hu!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 25, 2019
  • 2 min read

ROQUE, BUNTOT NANG BUNTOT KAY P-DUTERTE KAHIT AYAW SIYANG IKAMPANYA—Sa birthday party noon ni ex-Adviser for Political Affairs Francis Tolentino, kahit nandu’n si ex-Presidential Spokesman Harry Roque, Jr. ay sina Tolentino, ex-SAP Chrisptopher “Bong” Go at ex-PNP Chief Gen. Ronald “Bato” dela Rosa lang ang ikinampanya ni P-Duterte sa harap ng mga kasapi ng TODA sa Pasay City, kahit nandu’n pa rin si Roque ay dinedma lang siya kasi bukod kina Tolentino, “Bong” Go at Gen. “Bato”, ikinampanya rin ng pangulo sina Sen. Sonny Angara, Sen. Cynthia Villar, ex-Sen. Pia Cayetano, Gov. Imee Marcos at ex-Adviser for Arts and Culture/Musician Freddie Aguilar.

Kaya kung may hiya pang natitira sa kanyang sarili si Roque, dapat tantanan na niya ang kabubuntot sa pangulo dahil tila tablado talaga sa pangulo ang kanyang kandidatura sa pagka-senador, period!

◘◘◘

P-DUTERTE, INGINUSO NI HSGMA NA ‘UTAK’ NG “9 YEAR OLD MINIMUM AGE OF CRIMINAL RESPONSIBILITY”—Matapos makatikim ng batikos sa pubiko ang Kongreso kaugnay sa ipinasa nilang minimum age of responsibility o batas na itinuring na kriminal ang mga 9-anyos na batang makagagawa ng paglabag sa batas, agad “inginuso” ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na si P-Duterte raw ang nag-utos sa kanila na gawin ang batas na ito.

Dahil d’yan, hindi lang ang Kongreso at si HSGMA ang pinuputakti ng batikos ng publiko kundi pati na rin si P-Duterte, boom!

◘◘◘

DAPAT 98% NA MGA KRIMINAL ANG PAG-INITAN, HINDI ANG 2% NA MGA BATA—Sa data ng PNP, 2% daw ng mga nakagawa ng krimen ay mga bata.

Pambihira, imbes na ‘yung 98% na mga kriminal ang ipatugis ng Kongreso at ni P-Duterte sa PNP, eh, ang napag-iinitan ay ang 2% na mga musmos, susmaryosep!

◘◘◘

C/SUPT. CORONEL AT SUPT. DIMAANDAL, ‘NGANGA’ SA PAGGAMIT NINA ‘ADARNA’ AT ‘ABDUL’ SA KANILANG PANGALAN SA ‘PAYOLA COLLECTION’—Patuloy daw ang paggamit nina “Adarna” at “Abdul” sa pangalan nina PNP -Region 3 Director C/Supt. Joel “Jigs” Coronel at Supt. Jay Dimaandal para makapangolekta ng payola sa mga iligalista sa Central Luzon.

Ang kataka-taka kina C/Supt. Coronel at Supt. Dimaandal, sa kabila na ginagamit na sa raket ang kanilang mga pangalan ay wala pang ginagawang aksiyon laban kina “Adarna” at “Abdul”, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page