top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

PINOYS SA 2019 DERBY CITY CLASSIC TULOY KAYA ANG PAMAMAYAGPAG?

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Jan 25, 2019
  • 1 min read

MAGPAPATULOY ba ang pamamayagpag ng mga bilyaristang Pinoy sa taunang Derby City Classic?

Magsisimulang magkakahugis ang sagot sa tanong na ito sa pagsikad ng 2019 Derby City Classic sa Southern Indiana ngayong Biyernes.

Ang kampanya ng bansa ay nakasandal sa tatag ng pulso at tikas sa mesa nina Francisco “Djanggo” Bustamante, Roberto “Superman” Gomez, Alex “The Lion” Pagulayan, Dennis “Robocop” Orcullo at Lee Van Corteza sa torneong nagsisilbing balwarte ng cue artists ng Pilipinas sa nakalipas na limang taon.

Ang pambato ng Sorsogon na si Orcullo ang kuminang noong 2014 at 2017 nang maging pangkalahatang kampeon ito.

Hindi nagpabaya ang tubong Isabela na si Pagulayan at noong 2015 at 2016 ay siyang namayagpag. Noong 2018, kinoronahan na DCC Master of the Table ang alamat ng Tarlac na Bustamante.

Isang Pinoy din ang humahanting ang kampeonato ng ilan sa events na bahagi ng malupit ngunit kapana-panabik na paligsahan.

Sa 2018 DCC Bigfoot 10-Ball Challenge, naging hari si Gomez samantalang si Bustamante ang umibabaw sa DCC One Pocket. Si Orcullo ang nagwagi sa 9-ball at si Efren “Bata” Reyes ang nangibabaw sa One Pocket noong 2014.

Hinalinhinan sila nang sumunod na taon nina Warren “The Warrior”

Kiamco at si Pagulayan ayon sa pagkakasunod-sunod. Taong 2016 nang makuha uli ni Pagulayan ang unang puwesto sa One Pocket habang 2017 nang umangat si Bustamante sa DCC 9-Ball Banks.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page