PACQUIAO, BALIK BANSA NA TUMIPAK ANG LABAN SA PPV

DUMATING na sa bansa si Pinoy boxing icon Manny Pacquiao matapos ang laban nito kay Adrien Broner. Mula sa Los Angeles ay dumating ito kagabi.
Kasama nitong dumating sa bansa ang kanyang pamilya at si matchmaker Sean Gibbons na siyang nagdala ng laban ni Filipino boxing champion sa U.S. Sa paliparan sa Los Angeles ay tinanong muna si Pacman ng mga mamamahayag at kinumusta ang kanyang eye injury at ipinakita naman niyang gumagaling na. “Wala naman, it’s OK,” sabi ni Pacquiao sa interview ng ABS-CBN. “Gasgas lang, bugbog lang. I’ve experienced it before on my other side. Nothing to worry about.”
Samantala, pumalo nang hanggang 400,000 ang pay-per-view (PPV) sales sa Amerika ng mga nanood sa laban ni Manny Pacquiao at Adrien Broner. Nalampasan nito ang 2016 na laban ni Pacquiao kay Jessie Vargas na mayroon lamang 300,000. Maaaring umabot sa $30 million ang kikitain ng pinakahuling laban ni Pacquiao sa Las Vegas kasama na ang kanyang guaranteed na $10-M na premyo.





Comments