top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga Pinoy nabubuhay sa 'smuggled rice', tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 25, 2019
1 min read

WALA nang limitasyon ngayon ang pag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa.

‘YAN ang unli “px” rice!

◘◘◘

Nabubuhay ang Pilipinas sa smuggled rice.

Nakakasuka!

◘◘◘

BIGO ang media na magsaliksik kaugnay sa krisis sa bigas.

Hindi kasi maaasahan ang gobyerno na ilabas ang tunay na datos sa rice supply!

◘◘◘

Kasi lingid sa kaalaman ng marami, halos kalahati ng suplay ng bigas ay nagmumula sa bodega ng mga ismagler.

Kapag naghigpit sa Bureau of Customs, gobyerno ang biglang mawawalan ng suplay ng bigas sa merkado!

◘◘◘

Dapat magsaliksik ang media kung gaano karaming tonelada ang regular na isinusuplay ng mga ismagler.

Ang mga ismagler na ito rin ang nag-i-import ng bigas at siyempre, sila ay regular na nagbibigay ng tongpats at payola sa matataas na opisyal ng bansa!

◘◘◘

Matagal nang problema ang puslitan ng bigas, kahit sino ang maupo sa Malacañang — hindi ito nareresolba.

Nagbabago lamang ang mga tao na “tatanggap ng tara”, pero hindi nagbabago ang modus-operandi!

◘◘◘

Kapag kinastigo o hindi nag-operate ang mga ismagler, biglang kakapusin ang suplay ng bigas.

Kailangan matukoy kung may katotohanan ang senaryong ito at ibisto sa media ang sitwasyon!

◘◘◘

Tila hindi gumagawa ng paraan ang gobyerno para madagdagan ang mga lupain na tinataniman ng palay.

Dapat ipabungkal ang mga nakatiwangwang na bulubundukin sa Luzon, Visayas at Mindanao!

◘◘◘

Ang mga kinalbong bundok ay dapat awtomatikong taniman ng palay.

Ang mga nakatiwangwang na lupa ay dapat patawan ng malalaking buwis upang mapuwersa ang mga korporasyon na gawin itong productive land na mapagkukunan ng pagkain!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page