Kelot sugatan sa bus
CAMARINES SUR—Isang lalaki ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng pampasaherong bus, kamakalawa sa Bgy. San Vicente, Pamplona sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Alvin Parma, residente ng nasabing lalawigan.
Nabatid na mabilis umano ang takbo ng Philtranco bus na minamaneho ni Jesus Arroyo kaya aksidenteng nabangga nito ang biktimang tumawid sa kalsada.
Ginagamot na sa ospital si Parma, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in physical injury si Arroyo.





Comments