Kahulugan na hindi masaya sa kasalukuyang relasyon
- BULGAR

- Jan 25, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Golden Eye ng Golden_Eye@facebook.com
Dear Professor,
Ano ang ibig sabihin na napanaginipan ko ‘yung ex ko nang 20 beses kahit hindi ko siya iniisip? Sa ngayon ay pareho na kaming kasal sa ibang tao.
Naghihintay,
Golden Eye
Sa iyo Golden Eye,
Ang mga panaginip ay nanggagaling sa ating malalim na kamalayan na tinatawag na “unconcious mind”, samantalang, ang ibig sabihin ng hindi mo siya iniisip ay tumutukoy sa ating “concious mind.”
Sa ating pagtulog, ang totoong nakatutulog o nawawalan ng malay ay ang ating concious mind at dahil sa himbing ng kanyang pagkakahimlay, ang ating unconcious mind ang gagana at magpapatakbo ng ating mga panaginip.
Napansin mo ba, Golden Eye, silang dalawa ay may salitang “mind”? Ibig sabihin, pareho silang parte ng ating isip.
Pero, sa totoo lang, hindi importante para sa iyo kung saan galing ang iyong mga panaginip tungkol sa ex mo nu’ng single ka pa dahil ang talagang gusto mong malaman ay kung bakit 20 beses mo siyang napanaginipan?
Ang sagot ay nagsasabing, hindi ka masaya sa love life mo. Maaaring hindi mo aminin at baka sabihin mong okay ang marriage life mo, pero ang tiyak lang ay wala kayong problema sa buhay ninyong mag-asawa.
Oo, sa buhay ninyo, pero hindi sa buhay mo dahil ang iyong panaginip ay nagsasabing, may hinahanap-hanap ka sa asawa mo na nasa ex mo. Ito ang totoo dahil ito ang kahulugan ng mga panaginip tungkol sa ex-lover ng mga may asawa na o karelasyon.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo




Comments