Ang misis at ex ng singer-actor… GELLI NAGBANTA, MOVIE NILA NINA REGINE AT ARIEL, TAGILID


OPEN ang mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen na makasama sa isang show ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.
Mabilis na tumango si Ariel sa possibility na makatrabaho niya ang ex-GF na si Regine sa isang proyekto sa ABS-CBN since pareho naman na silang Kapamilya artists ngayon.
Nauna nang nagkasama on stage sina Regine at Ariel sa show ng A.S.A.P. sa Sydney, Australia last year. Naging very emotional si Ariel sa tribute na ibinigay ng A.S.A.P. sa kanya ru’n kung saan ang huling kumanta at naka-duet niya ay si Regine nga.
Mahigpit na niyakap ni Ariel sa bandang leeg si Regine habang umiiyak ang tinawag na ‘Kilabot ng mga Kolehiyala’ noong dekada ‘90 at kinakanta ang awitin niyang Photographs.
“Oh, yeah. We’re friends with her,” mabilis na sagot ni Ariel when asked sa presscon ng movie nila ni Gelli na Ang Sikreto ng Piso directed by Perry Escaño.
Say naman ni Gelli, “Ah, kaming tatlo sa isang show? Why not? Basta ako ang kakanta. Bahala na kayong (Ariel) dalawa. Basta ako ang kakanta.”
Natawa na lang si Ariel sa misis niya sabay sabi na malabo nang matuloy ang proyekto if ever.
“Malabo na ‘yan talaga. Siya ang kakanta,” birong tanong ni Ariel sa amin.
Mahigit dalawang dekada nang maligayang nagsasama sina Ariel at Gelli. In fact, they’re one of the most enduring couples in showbiz today. Pero ‘di raw nila naiisip ang tungkol dito.
“Well, hindi naman namin kasi naiisip na kami ‘yung matagal na nagsasama sa showbiz. Parang it is what it is and it’s not something na we think na parang, ‘Ang tagal na natin, wow! Naungusan na natin ‘yung iba.’ Wala naman kaming ganu’n. Basta kasi nag-asawa kayo, eh, dapat forever and that’s what it is supposed to be,” pahayag ni Gelli.
Esplika naman ni Ariel, “Kasi ‘yung tanong mo, you make it sound like it’s a competition. It’s not a competition, eh. It’s about ‘yung bond namin with each other, it’s not ano, walang pakialam ‘yung ibang tao, eh. So, sa amin lang ‘yun.”
Then, nag-follow-up question kami kung ano ang sikreto at nagtagal ang pagsasama nila.
“Basta ako, I always think, you know, there’s a saying, ‘yung sinasabi lagi nila, ‘What have you done for me lately?’ That’s wrong, eh. Dapat ‘yun, ‘What have I done for you lately?’ Dapat ganu’n ang tanong. That way, if you always think about kung ano ‘yung maganda para sa asawa mo, what your wife or your husband wants, if you always think about what’s best for her, kung ano ‘yung gusto niya, then, I feel what you should do is reciprocate it,” seryosong sabi ni Ariel.
Ni hindi nga raw nila na-experience — not even close — na muntik na silang magkahiwalay at i-give-up ang marriage nila.
“Not even close. Hindi nga kami nag-aaway, eh. We don’t fight kasi, eh,” sambit ni Ariel.
Pinabulaanan din ni Ariel ang obserbasyon ng iba na kailangan din paminsan-minsan ang away sa relasyong mag-asawa para mas tumamis daw ang pagsasama.
“That’s not true,” sabay ngisi nito. “We have discussions but we don’t fight.”
Sabi ni Gelli, kung sino raw ‘yung tama, siya ang nagbibigay para ‘di na humaba ang pagtatalo nila.
“Ang nangyayari kasi, when you discuss or argue about something, not necessarily fight. Tapos, ‘yung cool-off muna. You come to realize, ah, ito ‘yung fault ko, eh. So sasabihin ko, ‘Sorry, ha? Eto ‘yung kasalanan.’ Not necessarily the cause of the fight pero maybe I reacted in a certain way na I apologized for something. Kasi hindi puwedeng isa lang ‘yung nagagalit, eh. There’s two sides of the coin, eh,” paliwanag pa ni Ariel.
Aminado naman si Gelli na siya ang mas impulsive kesa kay Ariel.





Comments