top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

After exam, umuwi nang maaga | 12-ANYOS PUMALAG SA RAPE, GINILITAN, PATAY

Maeng Santos
Jan 25, 2019
1 min read

LASLAS ang leeg at wala ng buhay nang madis­kubre sa kusina ng kanilang bahay ang 12-anyos na da­lagita sa Ca­loocan City, ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Mhyrrhaquel Singson, residente ng Bgy. 171, Bagumbong.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, ma­agang umuwi mula sa kani­lang paaralan ang biktima matapos ang kanyang exa­mination.

Gayunman, alas-3:30 ng hapon nang matagpuan ito ng kanilang helper na si Rossel Villaralbo, na duguang nakahan­dusay kaya agad itong nag-report sa barangay.

Ani Villaralbo, pumunta siya sa tirahan ng Pamilya Singson upang maglinis sa bahay ng mga ito subalit, napansin nito ang main door ay nakakandado kaya sumi­lip ito sa bintana ng kusina kung saan niya nakita ang duguang bangkay ng biktima.

Ayon sa Caloocan Police North Extension Office ho­micide investigators, wala silang nakitang palatan­daan na sapilitang pinasok ang bahay kaya maaaring kakilala umano ng pamilya ng bik­tima ang suspek.

Sa pahayag naman ng ama ng biktima, maliban sa kanya, tanging ang kanyang ba­yaw lang ang may hawak ng susi ng kanilang bahay.

Dagdag pa nito, matapos maligo ang kanyang bayaw nu’ng tanghali ay umalis ito sa kanilang bahay alas-3:00 ng hapon at makalipas ang 30 minuto ay nadiskubre na­man ang bangkay ng kanyang anak.

Lumabas sa inventory ng pulisya na nawawala ang dalawang cellphone ng bik­tima.

Maaari rin umanong tinangkang pagsamantalahan ang biktima kung saan natagpuan ang dalawang kutsilyo na bali.

Inimbitahan naman ng pulisya ang lahat ng persons of interest, kabilang ang tiyuhin ng biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page